MASUWERTE ang premyadong director na si Brillante Mendoza. Naatasan siyang magdirehe sa gaganaping SONA ni president Rodrigo Duterte sa July 25.
Idolo ng masang Filipino si Du30 dahil sa pagbabagong bihis niya sa takbo ng politika sa atin. Iniba niya ang style na gusto niyang maging simple lang. Hindi magarbo ang kasuotan na palaging naka-Barong Tagalog. Ayaw daw niya ng magagandang damit dahil makati sa katawan.
Nakatutuwang malaman na ang premyadong director ang magdidirehe sa SONA ng pangulo. Dapat magtulong-tulong mga Pinoy sa layunin ni Du30 na puksain ang drogang sumisira sa kinabukasan ng mamamayan.
SHOWBIG – Vir Gonzales