NATUMBOK ni Coco Martin ang sikreto ni late Fernando Poe Jr., para sa teleseryeng, FPJ’s Ang Probinsyano.
Mahilig din sa bata si FPJ na isinasama niya sa kanyang mga pelikula mahilig. Mahilig ding magbigay-tulong sa kapwa-artistang walang project ang asawa ni Susan Roces. Matulungin si FPJ at mapagbigay ng blessing sa kapwa na siyang ginagawa na rin ngayon ni Coco.
Napahanga nga ni Coco ang mga entertainment press na inimbita niya sa thanksgiving party dahil nagpa-raffle siya na bihirang gawin ng ilang mga sumisikat na artista.
Karaniwan kasing iniaasa ng mga artista sa producer ang ganitong bagay.
No wonder, sunod-sunod ang pagdating ng mga blessing kay Coco. Imagine, nakapagpagawa na siya ng bahay na mala-mansyon. Ang ibang artista nga kahit sikat na umuupa pa rin ng condo.
Sa kabilang banda, malaki ang naitutulong ng mga child star na sina Onyok at Mac-Mac sa Ang Probinsyano.
SHOWBIG – Vir Gonzales