Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Runway ng NAIA nabiyak (8 flights kanselado)

INIANUNSYO ng Manila International Airport Authority  ang pagsasara ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Martes ng umaga upang bigyang daan ang repair work sa napinsala at malambot na bahagi ng Runway 06/24 upang matiyak ang kaligtasan ng mga eroplano at mga pasahero.

Ginawa ng MIAA ang anunsiyo kahapon, Lunes makaraan mag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)  ng notice to airmen (NOTAM) na nagdedeklara sa pagsasara ng NAIA runway mula 1:30 am hanggang 6:30 am sa Hulyo 19.

“Flights within this period will either be re-timed, diverted or canceled. The estimated time of departure (ETD) of certain flights from the outlying stations have been revised to ensure arrival in Manila is effected from 6:30 am onwards,” ayon sa MIAA sa kanilang abiso.

Kabilang sa kanselado ang apat na flights ng Philippine Airlines (PAL) at apat na flights ng Cebu Pacific.

Sa PAL, kanselado ang PR 119 Vancouver – Manila;  PR 103 Los Angeles – Manila; PR 105 San Francisco – Manila; at PR 657 Riyadh – Manila.

Ayon sa PAL officials, ilang domestic at international flights ay nai-divert nitong Lunes sa Clark International Airport bunsod nang pagkukumpuni ng Runway 24.

Samantala, sa Cebu Pac ay kanselado kahapon pa (Hulyo 18) ang  5J 973/974 Manila – Davao – Manila; 5J 014/015 Manila – Dubai – Manila; at 5J 022/023 Manila – Doha – Manila.

Habang ngayong Hulyo 19 ay kanselado ang 5J 039/040 Manila – Sydney – Manila. (GMG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About G. M. Galuno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …