MAS magiging mahigpit ang tagisan ng galing sa kantahan ng mga Pinoy ngayong isa na rin sa mga hurado ang Queen of Soul na si Jaya sa sikat at inaabangang patimpalak sa kantahan tuwing tanghali, ang Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.
Makakasama na si Jaya ng mga dekalibreng huradong kikilatis sa talento ng mga mang-aawit mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila na tiyak kasasabikan ng mga manonood. Lubos naman ang saya ng Queen of Soul para sa pagkakataong makapagbahagi ng kaalaman at karanasan sa aspiring singers ng bansa sa entablado ng Tawag ng Tanghalan.
Bukod pa nga kay Jaya, kasama rin sina Kyla, Erik Santos, at maestro Louie Ocampo sa mga pinakabagong hurado ng Quarter Three ng patimpalak.
Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang Tawag ng Tanghalan, sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa TawagNgTanghalan.abs-cbn.com/livestream tuwing tanghali at i-follow ito sa Twitter (@TNTABSCBN) at sa instagram (@TawagNgTanghalan). I-like din ang Facebook page nito safacebook.com/TawagNgTanghalan.