HINDI totoong inindyan ni Nora Aunor ang shooting ng indie film na Tuos together with Barbie Forteza. Nakiusap daw si Guy dahil noong July 6 ay may padasal ang pamilya niya sa Bicol at nagpunta siya para sa yumaong bunsong kapatid na si Buboy.
Nabuhos talaga ang panahon ni Guy sa minamahal na kapatid. Mabait naman si Derick Cabrido dahil pumayag siyang lumiban muna si Guy sa shooting.
Masuwerte naman si Direk Cabrido na napapayag magpadirehe sa kanya ang superstar.
SHOWBIG – Vir Gonzales