Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MPD Director Joel Coronel, desidido kontra droga

BUONG-BUO ang loob ngayon ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa pagsugpo sa ilegal na droga base sa marching order ni President Rodrigo Duterte at C/PNP Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Pakitang gilas ‘este’ parang gilas sa trabaho ang mga pulis-Maynila sa direktiba ni MPD district director S/Supt. Joel “Pogi” Coronel na lansagin ang mga tulak ng shabu sa lungsod.

Parang nagising sa mahabang pagkakatulog ang MPD stations sa walang humpay na anti-drug operation sa kanilang AOR.

Ang SAID-SOTU ng Presinto Uno na pinangungunahan ni S/Insp. Gilbert Cruz at PS-3 SAID C/Insp. John Guaigui ay non-stop ang enkwentro sa mga tulak na hindi pa rin tumitigil sa pagkalakal ng ilegal na droga.

Ang MPD PS-7 sa ilalim ni P/Supt. Alex Daniel ay maraming napasukong addict at tulak sa kanilang Oplan TOKHANG o katok-paalala.

Isa tayo sa natutuwa sa napakagandang pagbabago sa MPD sa liderato ni Kernel Jigz Coronel lalo na sa kanilang pagpapatupad ng OPLAN DOUBLE BARREL ni CPNP General Bato.

Mabuhay ka Sir Jigz!

***

Ilan kayang MPD station commander ang nagpapatupad pa rin ng one-strike policy laban sa video karera?

Marami pa rin kasing mga latag ng demonyong makina sa mga tagong lugar sa anim na distrito ng Maynila.

Alam kaya nina PS-4 P/Supt. Aquino Bolivar, PS-10 Kris Obong at ang mga PCP commanders na sina Insp. Naag ng Bambang PCP, Dagupan PCP Insp. Cresencio at S/Insp. Padilla ng P. Algue PCP na may mga latag pa rin ng VK devil machines sa kani-kanilang AOR?

***

WALA pang putok na nagpapakilalang BAGMAN ng MPD ngayon. Hindi gaya nang dating bulok na kalakaran na kolektong agad ang inaatupag ng ilang naupong DD sa MPD!

PNP-EPD TAHIMIK ANG TRABAHO PERO EPEKTIBO DAW?!

Marami ang nagsasabi, epektibo rin pala ang PNP-EPD sa kanilang trabaho kontra droga kahit hindi masyadong lumalabas sa media.

Isang beteranong pulis-Maynila ang namumuno ngayon sa PNP-EPD na walang iba kundi si C/Supt. Romulo Sapitula.

By the way, riyan rin pala sa EPD naka-assign ang isang magaling na police official na si S/Supt. Ernesto Tendero, na mahusay kumalawit ng mga kriminal.

Tahimik magtrabaho pero may resultang maganda ang dalawang opisyal.

Ayos mga Sir!

VK SA MAYNILA NAMUMUNINI PA RIN!

Tuloy pa rin ang latag ng VK devil machines sa lungsod ni Mayor Erap “under protest” Estrada.

Ang tagal daw kasi ng sinasabing pagpasok ng dalawang antigong gambling lord na nakakuha ng GO SIGNAL mula sa city hall para sa exclusive VK operations sa Maynila.

Mukhang hindi na makapaghintay ang ibang VK operators sa Maynila kaya muling naglatag ng kani-kanilang mga demonyong makina!

Karamihan sa mga palatag ay tulis ‘este’ pulis Maynila pa!

Abangan mga suki ang VK OPERATORS na may latag pa sa Maynila!

YANIG – Bong Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …