Saturday , April 26 2025

Mangingisdang Pinoy pinag-iingat ng Palasyo sa Bajo de Masinloc

PINAG-IINGAT at hindi pinagbabawalan ng Palasyo ang Filipino fishermen na mangisda sa paligid ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Filipinas ang West Philippine Sea (WPS).

“We are still saying that fishermen are not prevented however they are cautioned to proceed with care. There is no statement preventing them specifically,” sabi ni Abella.

Napaulat na itinaboy ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Filipino kamakalawa nang umabot na malapit sa Scarborough Shoal.

Wala aniyang inililihim ang Malacañang sa isyu ng WPS sa katunayan ay  maglalabas ng “initial statement” si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. pagbalik sa bansa mula sa 11th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Ulaanbaatar, Mongolia.

“We are not keeping cards close to our chest. We are really thinking through the right response. The initial statement should be sometime after DFA Sec. Yasay comes back from Mongolia,” pahayag ni Abella.

Kinompirmani Abella, tinanggihan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging sugo ng Filipinas sa bilateral talks sa China.

Ikinatuwiran ng dating Pangulo na matanda na siya para sa nasabing tungkulin na maaaring pagtuunan nang mahabang panahon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *