EVOLVING ang ASAP, the longest running weekend variety show. Hindi kasi ito stagnant, marami silang pakulo and its recent segment called ASAPinoy pays tribute to Original Pilipino Music (OPM).
Kabilang si Angeline Quinto sa mainstays sa ASAP. During the question and answer portion ay natanong ang cast members kung ano ang hindi nila makakalimutang experience while performing live sa nasabing Sunday show ng Dos.
“Ang hindi ko makakalimutan talaga sa ‘ASAP’ prod ay ‘yung production number namin ng Pinoy Champs kasi nadapa ako. Ang daming nagtanong sa akin kung bakit daw ako nadapa kasi ang problema po talaga noon ay ‘yung damit ko na hindi ko na-fit. Ibinigay sa akin ang damit noong Sunday ng umaga at ginamit ko na siya agad. Ang hirap niyon kasi biglang nahati ang isip ko. Anong gagawin ko? Mabuti na lang naisip ko hindi ako napamura katulad ni Ms. Claudine (Barretto). Hindi, kasi ang daming nagkompara po sa akin doon, eh. ‘Mabuti na lang hindi ka nagsabi ng masama. Mabuti na lang talaga napatahimik lang ako kasi lahat po ng tao ay nag-react ng ‘Oh, my God!’” kuwento ni Angeline.
“Siguro mas nakatutulong po talaga sa akin ‘yung pagsali ko ng mga amateur singing contest kasi ilang beses na ring nangyari sa akin noong bata ako na kumakanta ako sa fiesta na biglang namatay ‘yung music so wala akong ibang gagawin kundi ituloy na lang ‘yung kanta ng a capella hanggang matapos. At saka kapag propesyonal ka naman talaga ‘di ba the show must go on. Siguro lahat ng professional na kagaya ko ay talagang ‘yun po ang masasabi,” dagdag pa niya.
Pangungunahan ng Tribute Masters na sina Gary Valenciano at Martin Nievera ang ASAPinoy na magsisimula sa Maestro Series featuring the works of OPM greats Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Willy Cruz and George Cansecona magsisimula na today.
Ang ilan pang ASAP segments na inaabangan ay ang ASAP Birit Queens na kinabibilangan nina Morisette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray and Angeline Quinto, ASAP Soul Sessions featuring Kyla, KZ Tandingan, Jay R, Jason Dy and Darly Ong at ASAP LSS (Love songs and Stories) with Jolina Magdangal.
UNCUT – Alex Brosas