Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
abs cbn

ABS-CBN, ‘di totoong tagilid na

HINDI naman kami naniniwala na talagang tagilid na ang ABS-CBN dahil sa naging pahayag ni President Digong Duterte sa isang interview sa kanya na inilabas sa isang blog.

Doon sa nasabing interview, sinabi ni President Digong na hindi raw naging parehas sa kanya ang ABS-CBN. May nasabi pa siyang kung gusto ka raw siraan, masisiraan ka nila. Na inayunan namang lahat ng nag-interview, ang sexy dancer na si Mocha Uson.

Marami ang nagsasabing tagilid ang network dahil matatapos na nga ang franchise nila sa 2020 at kung hindi sila mabibigyan ng franchise ng kongreso, mapipilitan silang tumigil.

Pero hindi naman kami naniniwalang mangyayari nga iyon. Hindi naman siguro benggatibo si President Digong kagaya ng mga nauna sa kanya.

Kung iisipin ninyo, hindi nga ba ginawa pa niyang secretary ng DENR si Gina Lopez Roy na alam naman nating bahagi rin ng ABS-CBN?

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …