Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Sekyu kalaboso sa rape (Pinsan ni misis ginapang)

KALABOSO ang isang 32-anyos security guard makaraan gapangin at gahasain ang pinsan ng kanyang misis na pansamantalang nanuluyan sa kanila sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Inakala ng biktimang itinago sa pangalang Rose, 27, ang pagpayag ni George Ramos na manuluyan pansamantala sa Phase 9, Block 3, Lot 2, Brgy. 176, ay palatandaang mabait ang mister ng kanyang pinsan.

Napag-alaman, nagkaroon nang bahagyang tampuhan ang biktima at kanyang kinakasama kaya nakiusap sa mag-asawa na pansamantalang makituloy sa kanila.

Gayonman, habang mahimbing na natutulog ang biktima, nagising siya dakong 12:30 am na hinahalay ng suspek.

Makaraan ang insidente, lumabas ng silid ang suspek na parang walang nangyari.

Ngunit dakong 11:00 pm ay nagreklamo ang biktima sa Police Community Precinct (PCP) 3 na nagresulta sa pagkakadakip kay Ramos.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …