MISMONG si Sarah Geronimo ang umaming hindi likas sa kanya ang pagiging biritera pero may pagkakataong kailangang abutin ang pinakamataas na nota ng mga kinakanta niya.
Katunayan, medyo naiingit pa nga ito sa mga mang-aawit na gifted sa pagkanta ng pagbirit. Kaya naman, kung anumang mayroon siya ngayon o naabot ng kanyang voice range ay masaya na siya. Alam naman niya na kahit medyo bumibirit, sakto lang sa pandinig ng mga nakikinig. Suwabe ‘ika nga, kaya masarap pa ring pakinggan.
Inamin nito na ngayon ay hindi na niya kayang abutin ang pinakamataas na nota ng kanyang mga kanta at ang itinuturong dahilan ay naabuso niya ang kanyang boses mula noong kabataan na puro tipong pagbirit ang ginagawa. Aniya, bata pa siya ay sumasali na sa mga amateur singing contest na roon siya nahasa sa pagkanta ng mga awiting may matataas na nota.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu