TINIYAK ng tropang Eat Bulaga nina bosing Vic Sotto at asawang Pauleen Luna, kasama sina Joey de Leon, Senator Tito Sotto at pamilya nina Danica at Oyo Sotto na “full force” nilang susuportahan ang laban ng GILAS Pilipinas na kabilang si Marc Pingris.
Nakabalik na sa bansa ang koponan mula sa Italy na dumaan pa sa airport ng Istanbul, Italy bago sumambulat ang balitang binomba ito.
Nagpapasalamat ang buong tropa nina Marc na hindi sila na-hassle dahil sa pangyayari lalo pa’t agad-agad silang nagkaroon ng ng tune-up game laban sa koponan ng Italy kahapon, July 1, sa MOA Arena.
Then on July 5, Martes, haharapin na nila ang bansang France, na agad susundan ng laban nila kontra New Zealand sa July 6, Wednesday. Nasa bracket B ang Pilipinas kasama ang mga bansang nabanggit na kailangan nilang talunin para mas mapalapit ang bansa sa pag-advance sa semis hanggang finals at makuha ang nag-iisang tiket out of 3 slots pa na natitira para makapasok sa 2016 Rio Olympics.
Proud na proud ang pamilya Sotto na nagdarasal at nagpapaka-positibo para sa pagkakataong ito na huling natikman ng Pilipinas noong 1972.