Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian, niregaluhan ng painting si Jodi

SOBRANG touch si Jodi Sta Maria nang pumasok si Ian Veneracion sa conference room na may dalang isang cute na yellow cake na may naka-engrave na Happy Birthday, Jodi!. Kaarawan ng aktres noong Huwebes, June 16 at hiyang-hiya siya sa kanyang anak na hindi niya kapiling ng araw na ‘yon.

Sobrang abala si Jodi sa shoot ng The Achy Breaky Hearts na ipalalabas na sa June 29. Katunayan ng araw na ‘yun, kararating lang nila mula sa Subic para sa ibang eksena ng pelikula pero umaasa siya na makakapiling ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan kinagabihan.

Hindi nagdalawang-isip si Jodi nang amining 34 years old na siya nang itinanong ng isang reporter ang kanyang edad. Aniya, ”Actually, each year naman ay very special because you’re given a chance to encourage and love yourself. To love other people, ‘yung ganoon lang siya.”

Inamin nitong niregaluhan siya ni Ian ng isang painting na gawa mismo nito. Ang title ng painting ay Moonlight Over Jerusalem na ang tsika ay kagagaling lang ng aktres sa Holy Land. Kaya, maraming naging curious kung ano naman ang posibleng iregalo sa kanya ng kanyang other leading man na si Richard Yap.

“Hindi naman ako nag-i-expect ng regalo kahit kanino man lalo na kay Richard. Okey na ako roon sa maalaala ako sa aking special day at ma-appreciate ako. Okey na ‘yun sa akin,” pahayag nito.

Inamin ni Ian na kaya siya nagka-loveteam ngayon ay dahil komportable sila ni Jodi sa isa’t isa. ”Nandoon ‘yung friendship talaga kaya maganda ‘yung chemistry namin. Alam ko ‘yung mood niya kaya kung tagilid, ‘di muna ako lalapit sa kanya para kulitin at saka alam ko kung kailan ko siya puwedeng lapitan. Ganoon din naman siya, kapag ako naman ang nasa bad mood, lalapit ‘yan at magtatanong kung anong gusto ko dahil marami siyang baong food stuffs, maalaga ‘yan eh, ganoon siya,” pahayag din nito.

Ang gusto naman ni Jodi sa aktor ay hindi ito mahirap pakisamahan at kahit hindi nito sinasabing perpekto ang kanilang pagkakaibigan ay hindi nawawala ang respeto sa bawat isa lalo pa’t may pagkakataong nagkakaroon sila ng pinagdidiskusyonang bagay. ”Kasi we are different individuals, we have our own opinion and perspective of certain matter pero kahit hindi kami nagkakasundo, nag-a-agree naman kami. Kahit hindi ko tanggap ang paniniwala niya sa isang bagay, nirerespeto ko ‘yun. Kaya hindi kami nag-aaway.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …