Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, tinaguriang Cancel King

MAY bagong taguri kay Alden Richards: Cancel King.

Kasi naman tila sunod-sunod na ang pag-cancel ng kanyang shows, the latest of which was his show sa Pampanga.

Hindi ito ang first time na na-cancel ang concert ni Alden, huh!

Ang say ng organizers ng concert, security reasons ang dahilan ng pagkaka-cancel ng show ng binata. May banta raw kasi sa buhay ni Alden dahil isang fan ang nagbantang pasasabugin ang venue kapag natuloy ang concert.

Pero hindi kami naniniwala roon. Ang feeling namin ay hindi napupuno ni Alden ang concert venue dahil matumal ang bentahan ng ticket niya.

Wala naman kasing promotion sa show. Hindi nakapag-promote si Alden dahil ilang linggo siyang wala sa bansa. Nasa Italy kasi siya for the shooting of his movie with Maine Mendoza. Wala kaming nabalitaang magkakaroon siya ng show sa Pampanga.

Isa pa, unti-unti nang lumulubog si Alden. Lalo pa siyang nawalan ng kinang ng may isang basher ang nag-post sa social media na kaplastikan lang ang ipinakikita niyang sweetness kay Maine. Na kapag wala na ang camera ay nagkakanya-kanya na silang lakad. Na walang romantic something na namumuo talaga sa kanila.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …