Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malu, nanguna sa fund raising concert

TUNAY na isang kaibigan si Malu Barry dahil sa ginawa nitong pamumuno ng fund raising para makatulong sa gastos ng aming kapwa-manunulat na si Richard Pinlac na hanggang ngayon ay naka-confine sa Capitol Medical Center.

Inamin nitong matagal nanirahan si Richard sa kanya at pamilya na ang turing niya.

Sa ngayon, kailangan ng tulong ni Richard para sa kanyang pambayad sa hospital at ang nakalulungkot ay ‘yung mga umaasa sa kanya na dahil sa pagkakaroon nito ng karamdaman ay hindi nagagabayan-financial ang mga ito.

Katatapos lamang ng ikalawang fund raising ni Malu para kay Richard noong June 8 na ginanap sa Music Box. Malaki ang kanyang pagpapasalamat sa mga nagmamahal kay Richard na sumuporta at nag-perform ng libre.

Ang unang fund raising ay ginanap sa bagong bukas na Viajekada Comedy Bar sa Kamias Road, Quezon City at ito’y pagmamay-ari ng ‘look-alike’ ni Elmo Magalona na si Direk Chaps Manansala.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …