Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko, tinadyakan si Baron

MARAMI ang nagalit kay Kiko Matos matapos patraydor na sinikaran si Baron Geisler after their contract signing for URCC.

Magsasagupa sina Baron at Kiko sa June 25 sa Valkyrie at The Palace, Taguig City.

Naging viral sa  social media ang video ng pananadyak ni Kiko kay Baron. Parang napikon yata si Kiko sa mga ibinulong ni Baron kaya tinadyakan niya ito.

Sa contract signing pa lang ay obvious na ang pagkapikon ni Kiko. Panakaw kasi siyang hinalikan sa lips ni Baron. Hindi lang ‘yon, nag-make faces pa si Baron nang mag-picture taking sila.

Siguro ay napikon na talaga si Kiko kaya nagawa niyang tadyakan nang walang kaabog-abog si Baron.

Anyway, batikos naman ang inabot ni Kiko sa social media.

“Ugh. Ayoko kay Baron pero ang bakla ng galawan ni Kiko. Hilig niya mangtraydor ng tira.”

“Puro cheap shot alam! Galawang traydor hanggang ngayon? Matalo sana si kiko matsing.”

“grabe g*go talaga ang Matos nato.sobrang asbag to the highest level.I can see true Baron when he’s not drunk.”

“Hindi nahihiya yung kiko matos na tumira ng patraydor? Grabe ang awkward knowing nakaisa ka pero patraydor naman. Parang alam mong talunan ka pag patas ang laban.”

“Nong napanood ko dati si Baron sa pbb makulit siya kapag nalasing pero pag hindi ok naman siya. Sa totoo lang mabunganga si Baron pero wala siya criminal instinct. Itong Kiko talaga traydor nakainom man o hindi. Si Baron kahit matalo yan sa Laban tatawa lang yan sure ako na hindi yan gaganti ng pa traydorm. Dapat si Baron mag Ingat kasi kung sakaling Natalo niya si Kiko malamang gaganti ang onggoy pa traydor na paraan.”

‘Yan ang ilang comments against Kiko sa isang popular website.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …