Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, ‘di nanghinayang sa pagkaudlot ng Written…

HINDI pinanghihinayangan ni Jolina Magdangal ang pagkaudlot ng Written In Our Stars na bida sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sanhi ng pagbubuntis ng huli.

Aniya, nakasentro ang istorya sa dalawa kaya mahirap mawala ang mga iyon sa eksena.

Payag naman si Toni na palitan siya, si Piolo lamang ang pumalag.

Matatandaang nangyari na kay Jolina ang na-cast sa isang dramaserye noong nasa kabilang network kasama si Claudine Barretto. Along the way, parang nagkaproblema ang huli sa takbo ng kanyang buhay kaya kahit malaki ang panghihinayang ng management, napilitang i-shelve ang proyekto.

Sa kaso ni Toni, kaysa umalma si Jolens ay natuwa pa ito dahil isang sanggol ang pinag-uusapan, isang regalo mula sa Itaas.

Kaya naman, bilang pang-goodvibes, naisipan nitong bigyan ng belly pads ang aktres. Isang bagay na nagamit niya noong nagbuntis din siya na idinidikit sa tiyan para direktang makaririnig ng classical music ang bata sa sinapupunan.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …