USONG-USO naman ngayon ang mga artistang naglilipatan ng network o mother studio.
Sa totoo lang, may mga dahilan sila kung bakit gusto nilang umalis sa isang network at lumipat sa iba. ‘Yung iba ay maaaring hindi na nabibigyan ng pansin ng kanilang mother studio at lumalabas silang frozen delights. ‘Yung iba naman ay hindi na siguro kuntento sa nangyayari sa kanilang career sa isang network at feeling nila kapag lumipat ay mabibigyan sila ng bonggang break. ‘Yung iba naman ay maaaring nagtampo na at kailangan din namang maghanapbuhay.
Sa kasalukuyan, balitang-balita namang aalis na sa Kapamilya Network itong anak-anakan naming si Mika Dela Cruz. Nabalitaan naming lilipat na sa Kapuso Network ang dalaga sa hindi namin mabatid na dahilan.
REALITY BITES – Dominic Rea