Walang duda na ang Magandang Buhay ang pinag-uusapan at kinagigiliwang morning show sa Philippine television ngayon. Barely two months sa ere, marami ng celebrity guests ang napanood sa nasabing morning show. Bukod sa araw-araw na nagti-trend, bawat episode ay nagtatala ng mataas na rating.
Kapansin-pansin ang kakaibang giliw at sigla ng momshies/hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal. Kitang-kita ang enjoyment nila bilang hosts ng programa.
“Nakatutuwa lang ‘ yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil ‘yung other side nila eh, nakita ng tao,” sabi ni Jolina.
Next week ay papasok na ang Magandang Buhay sa kanilang 2nd monthsary. Isang pasabog at exciting na line up of guests and topics ang nakahanda sa mga viewer number one morning show ngayon.
UNCUT – Alex Brosas