Sunday , December 22 2024

Cebu Pac parking bay pinalawak

OPISYAL na pinalawak ng itinuturing ngayong leading carrier sa bansa na Cebu Pacific, ang kanilang aircraft parking bay sa pamamagitan ng groundbreaking sa 2.5-hectare area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) South General Aviation Area, dating Flight Operations Briefing Station, kahapon.

Kapag nakompleto na ang groundwork, maaaring ma-accomodate ng parking bay ang tinatayang apat na Airbus A320-family aircraft, makatutulong sa pagluwag ng ibang terminal bays sa paliparan.

Dinaluhan nina retired Maj. Gen. Jose Angel Honrado, MIAA General Manager, at Engr. Ricardo Medalla, NAIA Terminal 3 Manager, ang groundbreaking ceremony kasama ang CEB management committee.

“We are very grateful to the MIAA and relevant government authorities for allowing us to develop and utilize the South General Aviation Area for aircraft parking. This area supplements the space requirement of our growing fleet and will contribute to the optimization of our ground operations,” pahayag ni CEB President and CEO Lance Gokongwei.

Ang CEB 57-strong fleet ay kinabibilangan ng 7 Airbus A319, 36 Airbus A320, 6 Airbus A330, at 8 ATR 72-500 aircraft.

Sa pagitan ng 2016 at 2021, inaasahan ng CEB ang delivery ng dalawang karadagang brand-new Airbus A320, 30 Airbus A321neo, at 16 ATR 72-600 aircraft.

Ang airline’s extensive network ay umaabot sa 90 routes at 64 destinations sa Asia, Australia, Middle East, at USA.

About G. M. Galuno

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *