Friday , November 15 2024

Nigerian tiklo sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang Nigerian businessman makaraan mahulihan ng mga awtoridad ng hindi nabatid na halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Didicus Ohaeri, 34, ng #773 Km. 17 Alabang, Zapote Road, Las Piñas City, nakompiskahan ng apat sachet ng shabu.

Ayon kay  District Anti-Illegal Drugs of Northern Police District (DAID-NPD) Chief Insp. Ronald Perilla, dakong 6 p.m. nang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga tauhan ng DAID.

Sa pangunguna ni SPO4 Rodney Esguerra, isinagawa ang operasyon sa harap ng Majestic Massage Parlor sa MacArthur Highway, Brgy. 78, makaraan makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng DAID sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin kung may kaugnayan si Ohaeri sa big time drug syndicates.

Sa standard operating procedure, ipinaalam na ng pulisya sa Nigerian Embassy ang tungkol sa pagkakaaresto sa suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa R.A, 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa piskalya ng Caloocan City.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *