Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, nasapak nang walang kamalay-malay

KAWAWA naman si Baron Geisler. Nasapak kasi siya at ‘di siya nakabawi.

Nangyari ang insidente sa Guilly’s Bar sa Tomas Morato St., Quezon City.

Isang Wilbert Brandon N Travis ang nag-upload sa kanyang Facebook account ng pagwawala ni Baron sa labas ng bar. Nagmumura si Baron, sigaw ng sigaw ng “bakla” habang inaawat ng isang bouncer. Hindi yata siya nakabawi sa sumapak sa kanya.

Ayon mismo sa nag-upload, walang kasalanan ang actor.

“Pero sa totoo hindi niya ata kasalanan bigla na naman siyang sinapak sa ulo e.. Ewan ko sabi ng sumapak nanggugulo raw,” say ni Wilbert.

Ang chika, nanggugulo raw si Baron kaya siya sinapak ng isang guy. Ang kaso, hindi nakabawi ang actor, hindi siya nakaganti sa sumapak sa kanya.

Ang feeling naman namin, kung talagang matapang ang sumapak sa kanya, dapat ay hinamon niya ng suntukan ang actor. Dapat kasuhan ni Baron  ang guy na nanapak sa kanya.

Anyway, marami ang naghihintay sa sapakan nina Baron at Kiko Matos. Actually, pati na ang isang friend naming gay ay nagtatanong sa amin kung paano makakapanood, kung may bayad ba ang laban ng dalawa?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …