Friday , November 15 2024

Motorcycle rider patay, angkas kritikal sa truck

PATAY ang isang 25-anyos lalaki habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang angkas makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Johnlee De Jesus, ng 29 Yanga St., Brgy. Maysilo, dahil sa pinsala sa ulo at katawan habang ginagamot sa nasabing pagamutan ang angkas niyang si Jomar Romero, 22, ng 343 M.H. Del Pilar ng nasabing barangay.

Batay sa ulat ni PO3 Arnel Sinahon, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., kanto ng Maysilo-Tenejeros Bridge,  Brgy. Maysilo.

Sakay ang mga biktima ng motorsiklo at binabagtas ang M.H. Del Pilar nang bigla silang masagi ng isang trailer truck (RLK-605) na minananeho ni Daryl Villanueva, 24, ng 48 Tungko St., Maysilo.

Agad naaresto si Villanueva na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *