Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot tigbak sa truck

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki nang masagasaan ng trailer truck habang tumatawid sa kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang patuloy pa rin inaalam ng mga pulis ang pagkakilanlan.

Nakapiit sa Valenzuela City Police ang driver ng trailer truck (AUA-6712) na si Jonathan Behim, 35, ng 577 Camino Dela Cruz St., Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ayon kay SPO2 Tirso Delina, dakong 3 p.m., minamaneho ni Behim ang trailer truck sa kahabaan ng McArthur Highway nang mapansin niya ang biktimang nakatayo sa gilid ng kalsada sa tapat ng Valenzuela City People’s Park.

Nang malapit na si Behim ay biglang tumawid ang biktima kaya sinubukan niyang iwasan ngunit nahagip pa rin ng truck at pumailalim sa gulong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …