Samantala, makakatapat pala ng pelikula ni Kiray si Jaclyn Jose sa pelikulang Ma’ Rosa sa Hulyo 6 na naging Best Actress sa katatapos na 69th Cannes Film Festival na ginanap sa France.
Ano naman ang say ni Kiray dito? ”Feeling ko naman, mananalo rin kami, eh. ‘Canned goods’ nga lang, hindi Cannes! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tawang sabi ng aktres.
Hirit pa, ”alam mo, hindi ko iniisip na makalaban siya (Jaclyn). Mas iniisip ko ‘yung makakalaban namin na Hollywood (movies).
”Kasi, ano ba naman laban ko sa nanalo sa Cannes? At saka kapwa Filipino ko ‘yon, eh.
“Mas ipinaglalaban ko ‘yung pelikulang Filipino kaysa pelikula ng mga dayuhan.
“Alam mo ‘yon? Mas dapat panoorin natin ‘yung gawa natin kaysa gawa ng ibang tao. Kahit nga ako minsan, mas pipiliin kong manood ng Hollywood (movies), ‘di ba?
“Kasi, wala nang trust ‘yung mga tao ngayon sa gawa natin, eh.
“At saka kinaya ko nga ‘yung ‘Deadpool’, eh. ‘Yun ang nakatapat ng ‘Love is Blind’ so, feeling ko kaya naman.
“Hindi ko siya tine-take as kalaban (Ma’ Rosa). Kasi, iba naman ang genre namin.
“Hindi ako takot sa kapwa ko Tagalog (pelikula), kasi kakampi ko sila. Hindi ko sila kalaban.
“Sana, maraming manood ng Filipino films dahil magkakakampi kami. Ang kalaban namin, foreign films,” sabi ni Kiray.
At kung Cannes best actress si Jacklyn, ”Canned Goods Best Actress! naman ako, Ha! Ha! Ha! Ha!”
Bukod kina Kiray at Enchong ay ka-join din sina Betong Sumaya, Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables,at Ms Janice de Belen na by word of mouth ay maraming manonood sa pelikula produced ng Regal Entertainment.
FACT SHEET – Reggee Bonoan