Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, ‘kinain’ ang labi ni Kiray

00 fact sheet reggeeUSAPING Kiray Celis, natanong kung bakit siya umiyak sa set ng I Love You To Death dahil sa halikan scene na paulit-ulit.

“Sino ba namang artista ang may gusto ng pangalawang take kung hindi ka naman nagba-buckle at maayos naman ang ginawa mo?

“Kasi sa first take pa lang, bibigay mo na ’yung best mo, ’di ba? So, ayaw mo na ng paulit-ulit.

“First time ko ever sa lahat ng eksena ko at sa mga kissing scene, first time ko na paulit-ulit. At naiyak ako sa inis sa sarili ko. Kasi nga, ayoko na ng paulit-ulit tapos palubog ’yung araw tapos nagagalit na ako sa sarili ko kasi parang tsini-cheer na nila ako, ‘sige na, galingan mo na, bigay mo na ’yung best mo, halikan mo na si Enchong, buka mo na ’yung bibig mo.’

“Ako naman, parang nanggigigil na ako sa sarili ko kasi ayoko talagang bumuka,” paglalarawan ni Kiray.

Kaya naman daw paulit-ulit sabi ni direk Miko Livelo ay dahil wala siyang nararamdaman sa nasabing kissing scenes mula sa aktres.

“Kasi nga, alam ko sa susunod na movie, baka ‘dila na ang kailangan namin, Kiray,’ kasi alam ko ’pag binigay ko rito, grabe na sa susunod,” pangangatwiran naman ng komedyana.

Noong unang makahalikan ni Kiray si Derek Ramsay sa Love Is Blind ay talagang nagulat siya dahil bumuka ang bibig ng aktor, pero mas lalo siyang nagulat pala kay Enchong.

“Kasi si Derek, in-open lang niya ’yung mouth niya. Si Enchong, dalawang beses, tatlong beses, kaya sabi ko, ‘uy,’ napaatras talaga ako sa unang kiss, sabi ko, ‘ba’t ganoon?’

“Sabi niya, ‘ganyan talaga.’ Hindi ko lang masabi na hindi naman ginawa sa akin ’yan dati. Si Enchong kasi, kinain niya ’yung lower lip tapos um-upper lip pa, sabi ko, ‘ay ano ’to?’”pagkukompara ng aktres.

Kuya ang turing ni Kiray kay Enchong na kasama niya rati sa programang Shout Out sa ABS-CBN noong 2011 tapos ngayon heto kalaplapan na niya.

“Yung feeling na ’yung kuya mo rati, ngayon hinahalikan mo na, ’yung kuya mo na sine-share-an mo ng pagkain, ngayon ka-share mo na ng laway, ’yung kuya na sinasabihan mo ng ‘po,’ ngayon, ‘po’ pa rin naman pero pumapatong na sa ’yo,”seryosong pahayag ng komedyana.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …