Friday , November 15 2024

Marami rin corrupt sa media

If a country is to be corruption free and become a nation of beautiful minds, I strongly feel there are three key societal members who can make a difference. They are the father, the mother and the teacher. — A. P. J. Abdul Kalam

PASAKALYE: Sabi ng isa kong kaibigan, tanga raw ang media na masasampahan ng kasong libel at abusado naman daw ang karamihan ng mga mamamahayag na pinapatay.

May katuwiran ba siya?

NAGBIGAY ng babala si president-elect RODRIGO DUTERTE sa mga miyembro ng media na hindi niya magagawang igarantiya ang kaligtasan ng bawat isa sa kabila ng sunod-sunod na pamamaslang sa mga mamamahayag sa nakalipas na isang dekada.

Nagpasaring pa ang incoming president na kung iisipin ay kasalanan din ng ilang mga journalist kung bakit sila naging target ng asasinasyon at ang dahilan nga rito’y may ilan din sa hanay ng media na sangkot sa mga anomalya at katiwalian.

Marami ang nasaling at nadesmaya sa mga nasabing pahayag—partikular ang ilang malalaking pangalan sa hanay ng mga mamamahayag.

Sa ganang amin, hindi nababahala ang PANGIL sa ganitong uri ng pananaw mula sa bagong pangulo. Marami na rin kasing maling ginagawa ang mga kasamahan natin at para bang hawak na ng kanilang mga kamay ang pagpapatupad at pagpapairal ng batas.

Bukod dito, marami na rin kasi sa media ang naging kultura na at polisiya sa kanilang trabaho ang sinasabing pagiging AC-DC, o “attack and collect, defend and collect.”

Libingan ng mga Bayani

Nais ni Pangulong DUTERTE na mailibing na ang dating Pangulong FERDINAND E. MARCOS sa Libingan ng mga Bayani nang sa ganoon nga naman ay mahimlay na sa huling hantungan ang dating Pangulo ng bansa. Nararapat lang naman na siya ay ilibing doon dahil hindi naman makakaila na siya ay dating sundalo at pangulo ng bansa. Ibigay na lang natin sa kanya ang paggalang dahil mayroon din naman siyang nagawa sa bayan kahit na malaki ang kanyang naging kasalanan noong panahon ng Martial Law. Hindi ba natin kayang patawarin ang dating Pangulo na nagbigay din ng magandang kasaysayan sa pamamagitan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?

Kung patatawarin ni Pangulong DUTERTE ang mga komunista na nagpahirap sa ilang mamamayan sa loob nang ilang dekadang kawalan ng kapayapaan sa kanayunan,  hindi ba dapat ay pag-ukulan din ng pagpapatawad si dating Pangulong Marcos?

Ang komunista ay maraming pinatay na mga sibilyan, sundalo at pulis. Ganoon din ang dulot ng Martial Law, maraming pinatay na aktibista, mga pinararatangang mga komunista at pagsikil sa pamamahayag.

Kung nais ng mga komunista na sila ay patawarin ni Pangulong DUTERTE bakit ipinagkakait nila ito kay dating Pangulong Marcos? Kailangan bang sila lamang ang makikinabang sa pagpapatawad? Patay na nga ang tao at ang kahilingan lamang ng pamilya ay mailibing nang may dignidad at karangalan. Karamihan ng mga lider ng komunista ay buhay na buhay pa. Meron pa rin silang pagkakataon na maging bayani ng bayan at maililibing din sila sa Libingan ng mga Bayani.  —

Pamela A. Landicho ng Santa Cruz, Davao Cityy ([email protected], Mayo 25, 2016)

Repasohin ang Juvenile Justice System

GOOD day po. Tama lang at sang-ayon po ako sa panukala ni incoming President RODRIGO DUTERTE na magpatupad ng curfew sa buong bansa para na rin mapigilan ang paglaganap ng krimen. Marahil sa katunayan po na kalimita’y menor de edad na mga kabataan ang pawang sangkot sa mga nangyayaring krimen at mga ilegal na gawain, gaya ng pagnanakaw at kadalasan ay ginagamit pa ng mga sindikato sa pagtutulak ng ilegal na droga. Dahil nga po sa malakas ang loob ng mga menor de edad na kabataan na gumawa ng krimen ay dahil protektado sila ng batas na juvenile justice system na ang may-akda ay si Senator-elect KIKO PANGILINAN, na mukhang hindi inalam ang cause and effect ng batas na ito. Hindi sila puwedeng kasuhan at tanging ahensiya lamang ng DSWD ang kukupkop sa kanila para sa rehabilitation at kalauna’y pakakawalan din. Sana naman po ay mapagtuunan ng pansin ng ating magigiting na mambabatas sa Kongreso at Senado na repasohin ang batas na ito para mapababa ang edad na sakop nito. Maraming salamat po. — Ben Latigo po ng Balagtas, Bulacan (09430988030, Mayo 22, 2016)

 * * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *