Monday , December 23 2024

Tsap-tsap victim sa Senado tukoy na

NATUKOY na ang pagkakakilanlan ng tsap-tsap victim na isinilid sa sako at itinapon sa tapat ng gusali ng Senado sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa pamamagitan ng peklat sa putol na kaliwang binti at deskripsiyon sa pares ng kamay, kinilala ni Helen Bacordo, 43, ng 137 Brgy. E, Rosario, Batangas, ang nasabing bahagi ng katawan ay sa nawawala niyang mister na si Reymundo Bacordo, 50, negosyante ng buy and sell ng sasakyan.

Nagtungo si Helen sa tanggapan ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 12:48 p.m. upang kilalanin ang narekober na mga putol-putol na bahagi ng binti at kamay ng tao.

Ang putol-putol na bahagi ng binti at kamay sa loob ng sako ay natagpuan ng isang vendor sa center island sa tapat ng gusali ng Senado sa Diokno Avenue, Brgy.76, Zone 10 dakong 5:30 a.m. ng madaling araw kamakalawa.

Base sa pahayag ni Helen kay Doria nitong  Martes (Hunyo 7) dakong 11 a.m. nang huling nakitang buhay ang kanyang mister nang umalis sa kanilang bahay sakay ng gray Mitsubishi Montero (NH-8368) na nakatakdang ibenta sa hindi nabanggit na buyer ngunit hindi na nakauwi.

Sinabi ng ginang, nakasuot ng mga alahas at dala ang P500,000 cash nang umalis ng bahay ang kanyang mister na si Reymundo.

Samantala, nilinaw ng hepe ng Pasay Police, kahit kinilala ng nagpakilalang misis ang tsap-tsap victim, magbabase pa rin sila sa resulta ng finger print na isinagawa ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District upang matukoy ang pagkakilanlan ng biktma.

Isa sa sinisiyasat na teorya ng mga awtoridad ang posibilidad na biktima ng carnapping ang tsap-tsap victim.

Nakalagak ang mga putol-putol na bahagi ng katawan ng tao sa Veronica Funeral Parlor upang suriin.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *