Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsap-tsap na 2 binti at 2 braso itinapon sa Senado

NATAGPUAN ng isang vendor ang putol-putol na bahagi ng katawan ng tao sa loob ng isang sako sa harapan ng Senate Building sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ng vendor na si Meniano Samarro, 65, ang naturang sako habang nagwawalis sa harapan ng gusali ng Senado sa Diokno Avenue, Brgy. 76, Zone 10.

Agad sinuri ni Samarro ang laman ng sako at halos bumaligtad ang kanyang sikmura nang makita ang mga putol na dalawang binti at braso ng tao.

Agad niyang ipinaalam ang insidente sa mga awtoridad.

Sinusuyod na ng mga pulis ang iba pang lugar malapit sa Senado na posibleng pinagtapunan ng iba pang parte ng katawan ng tao.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District at ng Pasay City Police upang matukoy ang pagkakilanlan ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …