HINDI pa malaman kung anong buwan ngayong taon babalik sa Filipinas ang most valuable player (MVP) ng National Basketball Association (NBA) na si Stephen Curry ngunit natitiyak na tutuparin ng star player ng Golden State Warriors ang pangakong babalik siya.
Ito ang napagalaman mula kay One of A Kind marketing director Christine Majadillas sa Philippine Sportswriters Association forum sa Shakey’s Malate.
“Gusto niyang bumalik (sa Filipinas) pero wala pa nga lang schedule kung kailan,” punto ni Majadillas.
Una rito, sinabi ni Curry na hindi siya maglalaro sa Rio Olympics dahil itutuon niya muna ang pagbibigay atensiyon sa kanyang fitness at kalusugan.
Ayon sa sikat na basketbolista, nagdesisyon siyang mag-withdraw mula sa preliminary squad ng Estados Unidos makaraang makipagkonsulta sa kanyang pamilya, mga tagapayo at team officials.
“After a great deal of internal thought and several discussions with my family, the Warriors and my representatives, I’ve elected to withdraw my name from the list of eligible players on Team USA’s preliminary roster for the 2016 Summer Games in Brazil,” pahayag ng 28-anyos sa opisyal na pahayag.
Hindi pa nakakapaglaro si Curry sa Olimpiyada.
ni Tracy Cabrera