IN fairness, masaya na naming nakausap si Melai Cantiveros sa set ng Magandang Buhay. Masaya na itong humarap sa amin at kitang-kita na maayos na ang lahat.
Sabi pa namin sa aming kaibigan na anuman ang pinagdaraanan nilang mag-asawa ngayon ay darating din ang araw na maaayos iyon.
“Normal lang naman na dumaan talaga sa ganyang stage ang mag-asawa Kuya Dom. Maaayos din naman lahat dahil mag-asawa naman kami ‘di ba?” aniya.
Sana nga maayos at malagay sa ayos ang lahat sabi namin sa kanya. Sayang naman ang lahat kung mapupunta lang sa hiwalayan at kawalan! ‘Yun na!
( Dominic Rea )