Friday , November 15 2024

Benepisyo inipit 16 PAO lawyers inasunto si Abad (Itinanggi ng DBM chief)

PINABULAANAN ni Budget Sectetary Florencio Abad ang bintang na iniipit ang benepisyo ng 16 abogado ng Public Attorney’s Office (PAO).

Sinabi kahapon ni Abad, hinihintay lang niya ang legal opinion ng Department of Justice (DOJ) dahil may conflict sa interpretasyon ng ilang probisyon ng National Prosecution Service Law na sakop ang kanilang retirement benefits.

Ang 16 abogado ay nagsampa ng damage suit laban kay Abad dahil sa sinasabing pag-ipit sa kanilang retirement benefits.

Tiniyak ng kalihim, ipalalabas ang kabuuan ng lahat ng benepisyo ng 16 abogado sa sandaling maging paborable sa kanila ang opinyon ng DoJ, katulad ng retirement package na ibinibigay sa prosectors at judges sa ilalim ng NAPROS law.

Sinabi ni Abad , kinikilala niya ang hindi matawarang serbisyo ng PAO lawyers sa pagtatanggol nang libre sa mahihirap na mga Filipino at wala aniya siyang masamang motibo para harangin ang P139 milyon kabuuang benepisyong dapat tanggapin ng mga nagsakdal sa kanya.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *