Friday , November 15 2024

3 tiklo sa ‘Oplan Big Bertha’ 3 kilo ng shabu kompiskado

NAHULI ang tatlo katao at nakompiskahan ng tatlong kilo ng shabu sa isinagawang “Oplan Big Bertha” at follow-up operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Cavite sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi.

Kalaboso ang tatlong suspek na sina Madayao Mustapha Batonggara, 47; Macabato Binor Pangcatan, 19, at Amatonding Noroden Alap, 35, pawang dinala na sa CIDG Cavite.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, nangyari ang insidente dakong 10:40 a.m. sa harap ng Asean Tower Station Building sa Bradco Avenue, Brgy. Baclaran ng lungsod.

Sinabi ni Sr. Supt. Andrade, nakipag-coordinate sa kanyang tanggapan ang operatiba ng CIDG Cavite para sa buy-bust operation laban sa tatlong suspek, sa pamumuno ni Chief Inspector Jay Icawat.

Ang isinagawang operation ay base sa pakikipagtulungan ng CIDG-NCR, Southern Police District (SPD) at Parañaque City Police.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at bumili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang tatlong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

7 kilo ng damo kompiskado sa 10 katao

ARESTADO sa mga awtoridad ang 10 katao makaraan makompiskahan ng pitong kilo ng marijuana sa Old Balara, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Ito’y makaraan makatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang residenteng nagreklamo sa lantarang bentahan ng droga sa kanilang lugar.

Bukod sa pitong bloke at apat na sachet ng marijuana, nakompiska rin mula sa mga suspek ang isang revolver.

Tinatayang nasa P63,000 ang halaga ng nakompiskang droga.

Iniimbestigahan pa kung sino ang binilhan at pinagbebentahan ng mga suspek ng marijuana.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *