Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Morning show ni Marian, butata pa rin sa ratings

MAS pinaaga ang morning show ni Marian Rivera pero sad to say ay hindi pa rin ito nagre-rate.

Butata pa rin pala sa rating ang show ni Marianita, wala pa rin itong binatbat sa katapat na programa sa Dos.

“Nauna naming naibalita na Naruto ang magiging katapat nito pero angKapamilya Blockbuster pa rin ang katapat nito.

Ayon sa pinaka-latest TV ratings na inilabas ng Kantar Media nakapagtala ng 8% na ratings ang Yan Ang Morning laban sa katapat nitong Kapamilya Blockbusterna nakakuha ng 13.3%.”

Iyan ang nakapost sa Kakulay Entertainment Blog recently.

“Kapansin-pansin din na single digit na lang ang ratings ng show ni Marian Rivera, kung ikukompara sa katapat at sa Anime ng GMA mas mataas pa ang nakuhang ratings nito. Hindi ba nababahala ang Kapuso Network sa pagbagsak ng ratings ng show ni Marian.

“Nakapagtala ng 11.4% ang Yo-Kai Watch, 11.5% naman ang Bleach samantala 13.6% ang nakuha ng Dragon Ball Z na katapat ng Naruto na nakakuha lang ng 6.8%.

“Totoo nga kayang maraming endorsement ang nawala sa itinuturing Primetime Queen ng GMA? Dahil umano sa mga programa nitong bagsak ang ratings?

“May ilang nagsasabi na habang maaga pa ay tapusin na umano sa ere ang naturang programa at ipalit ang mga bigating Anime ng GMA.

“Tanong ng marami bakit hindi itapat ang show ni Marian Rivera sa morning show na Magandang Buhay para magkaalaman na.”

‘Yan ang dagdag na aria sa nasabing blog.

Maging ang comments ng social media people ay nega rin.

“tigbakin na yan habang maaga pa.”

“ganyan ang karma ng bias na station bigyan nyo ibang artista nyo ng chance hinde si marian na laos na wala na yan.”

“wala ng k si mariam mas maganda mag alaga nlng ng anak nya mayaman nmn sya.”

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …