Friday , November 15 2024

Bahay ng tabloid reporter niratrat

PINAULANAN ng bala ang bahay at sasakyan ng isang tabloid reporter ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Makati City kahapon ng hapon.

Hindi nasaktan ang biktimang si Gaynor Bonilla, 43, reporter ng Police/X-Files, maging ang kanyang pamilya bagama’t nasira ang nakaparadang Honda CRV (XFE-721) at Toyota Vios (XRV-664) dahil sa mga tama ng bala.

Nahuli ang suspek na kinilalang si alyas Obet, driver ng motorsiklo, sa follow-up operation ng Makati City Police, habang pinaghahanap ang kasama niyang suspek na si alyas Totoy Glean.

Base sa ulat na nakarating kay Makati Police chief, Senior Supt. Ernesto Barlam, dakong 1:54 p.m. nang paulanan ng bala ng riding in tandem ang harap ng bahay ni Bonilla sa 1936 Orense St., Brgy. Guadalupe Nuevo.

Sa imbestigasyon, noong Mayo 25, pinagtripang barilin ng suspek na si alyas Totoy Glean ang helper ni Bonilla na si Enriquito Solatorio,19, na tinamaan ng bala sa paa.

Kahapon nang hapon, muling sumalakay si Totoy Glean kasama si Obet, sakay ng motorsiklo, sa bahay ni Bonilla nang maispatan si Solatorio.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang dalawa ngunit nasakote si Obet sa follow-up operation ng mga awtoridad.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *