Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 totoy ginahasa, bading kalaboso

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 36-anyos bading makaraan ireklamo ng mga magulang ng anim menor de edad na ginawan niya ng kahalayan sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni San Agustin Brgy. Chairman Nathaniel “Tac” Padilla ang suspek na si Leif Garry Malasa, insurance agent, at residente sa Magsaysay St., Brgy. San Agustin.

Ayon kay Barangay Executive Officer Chime Padilla, nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek makaraan ireklamo ng mga magulang ng anim na biktima na edad 9 hanggang 13, ng sexual abuse sa kanilang mga anak sa magkakahiwalay na insidente.

Tatlo sa mga biktima ay unang napaulat na inabuso ng suspek noong Mayo 24 habang ang tatlo ay magkakasunod na minolestiya ni Malasa noong Mayo 26, 27 at nitong Sabado.

Hindi nakapagsumbong sa kanilang mga magulang ang tatlong biktima makaraan bigyan sila ng suspek ng tig-P20 bago pinauwi ng kanilang bahay.

“Niyayakag ng suspek ang mga bata sa kanilang bahay, pagkatapos hihimuking maghubad at lalaruin ng suspek ang kanilang ari. ‘Yung isang bata, nagsabi na inuutusan siyang ipasok pa ‘yung ari niya sa puwet ng suspek,” pahayag ni Brgy. Chairman Padilla.

Sa pahayag ng isa pang biktima, pinipilit siya ng suspek na mag-oral sex ngunit hindi siya pumayag.

Dinala na ang suspek ng mga barangay official sa Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) para sa inbestigasyon habang dinala sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang mga biktima para sa medical examination.

Natuklasan din ng mga awtoridad ang mga hubad na larawan ng mga lalaki na karamihan ay menor de edad sa cellphone ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …