Thursday , December 26 2024

Angel, wagi sa Int’l. Pop Music Fest

NAGBUBUNYI ang LGBT sa tagumpay ni Angel Bonilla sa Discovery International Pop Music Festival sa Europe (Varna, Bulgaria) noong May 22 para sa Best Song, Best Singer. Kahit ang Reyna Sireyna na si Francine Garcia ay nagbigay pugay kay Angel. Buong ningning niyang tinatalakay ito sa kanyang Facebook Live at tuwang-tuwa  siya na may isang transgender na nagdala ng mapa ng Pilipinas sa ibang bansa.

First transgender si Angel na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas sa larangan ng pagkanta.

“Out of 57 countries Philippines placed 2nd runner up. This is for you Philippines and to my LGBT family..Thank you to all the people who helped me.. Mabuhay po ang Pilipinas!,” pagmamalaking post ng Fil-Am Transgender sa kanyang Facebook account.

“I dedicate this award to my beloved country, The Philippines. This award represents my blood and talent and of course the unity of OFW who helped me, believed in me and voted for me! This award represents my country, our unity and the change of the Philippines,” sey pa ni Angel.

Nasungkit ng Bulgaria ang grand champion. First runner up ang Romania at Malta at 2nd runner up ang Philippines at Russia.

Tumanggap din si Angel ng special award na Individualism Award na ang ibig sabihin ay may originality o may sariling identity as an artist.

Tunay na Pinoy proud si Angel at sobra ang kasiyahan ng kanyang mentor, Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez.

“We dedicate this award to all the people in the Philippines who are united in solidarity. I would like to thank all OFW who believe in my friend and helped her to pursue her dreams. The unity of Filipinos is shown by all who voted for her and believed in her talent. Congratulations Angel for getting 2nd runner up out of 57 countries who battles International Pop festival. Mabuhay Angel. Mabuhay Pilipinas,” mensahe ni Eduard.

Mula pa lang sa umpisa ng laban ni Angel ay nariyan na at nakasuporta si Eduard. Ipinagmamalaki niya ang mga transgender dahil hindi lang sa Kongreso/politika umaariba kundi pati sa entertainment.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *