Thursday , December 26 2024

Polisiya ni Digong OMG

BAGAMAT hindi pa naipoproklamang bagong Pangulo ng bansa si Rodrigo “Digong” Duterte, malaki naman talaga mga ‘igan ang naging lamang niya sa apat niyang mga katunggali na may pagpapakumbabang nag-concede na rin sa kani-kanilang pagkatalo, kung kaya’t sinisigurado na ng sambayanang Filipino na mailuluklok ang ‘Mama’ sa a-30 ng Hunyo.

Kasabay nito’y sinisigurado na rin mailuluklok sa rehas na bakal ang mga tiwali at pasaway sa lipunan at sila’y titingalain sa handog na bitay ni Digong sa kanila.

He he he…

Batikos dito, batikos doon si Digong, walang sinasanto! Maging ang simbahan mga ‘igan ay pinasok na. Aniya’y ano’t nakikialam sa polisiya ng pamahalaan ang simbahan!

Hindi pinalampas…tinuligsa rin ni Digong ang mga obispong nagpayaman umano sa panahon ng administrasyong Arroyo, na humingi umano ang pitong obispo ng sasakyan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), para gamitin sa mga pangangailangan ng maliliit na mamamayan, na tinutulungan din noon ng simbahan.

Ngunit nang maramdamang may maling nangyayari, hayun, isinauli ng mga obispo sa PCSO ang mga sasakyan.

Binigyang-pansin din ni Digong mga ‘igan ang umano’y mga paring nagkasala, partikular sa kanya. Sampu ng mga paring may itinatago umanong asawa’t anak ay kanya rin tinuligsa.

Bilang hamon ng simbahang Katolika, hiniling ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na pangalanan ang mga paring iniuugnay ni Digong sa kanyang mga paratang upang mabigyan ng karampatang aksiyon ang mga sangkot sa nasabing isyu.

At ngayon mga ‘igan, mukhang magbabangayan na naman ang Digong vs Obispo dahil sa three-child policy na gustong ipatupad ni Digong.

Oh My God!

Nauna nang ipinahayag ni Digong na maaaring suwayin niya ang simbahang Katolika sa isusulong na polisiya. ‘Ika ni Digong… “I only want three children for every family… I’m a Christian, but I’m a realist so we have to do something with our over-population. I will defy the opinion or the belief of the Church.”

Anong say mo rito ‘igan?

Maganda man ang layuning ito ni Digong, ngunit ‘di na siguro kailangan pang maging policy sa taong bayan.

Let them decide, and let them suffer for what ever decisions they made.”

Pipigilan natin ang pamilya na tatlo lang ang maging anak nila ‘e kahit isa nga lang e ‘di mo pa makakitaan ng pagpupursigi sa pamilya. Wala rin ‘yang polisiya ni Digong na ‘yan.

Ang dapat ay maipaintindi natin ang kahalagahan ng pamilyang Filipino at ang magandang kinabukasan ng bawat miyembro ng pamilya.

Dapat magpursige, lalong-lalo na ang mga magulang para sa magandang kapakanan ng buong pamilya, okey ba ‘yun mga ‘igan?

Buti na lang at dama rin ni Digong ang mga corrupt na ahensiya ng bansa. Hayun, nagparamdam na rin si Digong na kanyang bubuwagin ang mga corrupt na ahensiya ng bansa.

Aba’y ano-anong ahensiya ba ‘yan? He he he…

Nandiyan umano ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at ang Land Transportation Office (LTO).

Haaayyy salamat at matutuldukan na rin ang mga katiwalian at corruption sa mga nasabing ahensiya.

Paano naman kaya ang mga corrupt na punong-bayan at punong-barangay? Aba, aba, aba, dapat masampolan ang mga damuho…

Abangan!

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *