Friday , November 15 2024

Probe team binuo para sa deadly concert sa Pasay

BUMUO kahapon ng isang probe team o task force group ang pulisya na tututok sa imbestigasyon nang pagkamatay ng lima katao sa isang concert sa Pasay City nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, bumuo sila ng Special Investigation Task Group (SITG) para matutukan ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng lima katao kabilang ang isang American national, na dumalo sa isang “Close Up Forever Summer Concert” sa parking area ng Mall of Asia (MOA).

Kinabibilangan ang task force group ng mga opisyal ng Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region Police Office (NCRPO), PNP Crime Lab, Southern Police District (SPD) at Pasay City Police.

Sinabi ng tagapagsalita ng NCRPO na si Chief Inspector Kimberly Molitas, bukas ang hanay ng pulisya sa isinasagawang “parallel investigation” ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa trahedya sa konsiyerto.

Dagdag niya, sa ganitong paraan ay mapagtutulungan nilang makapagbigay nang sapat at makatotohanang impormasyon sa publiko kaugnay sa pangyayari.

Habang ayon kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, sumailalim na rin sa toxicology examination ng PNP Crime Lab at autopsy ang isa pang biktima na si Ken Migawa, 18, ng  Antipolo City, makaraan pumayag ang mga kaanak.

Sa paraang ito, mababatid kung ano ang naging sanhi ng heart attack ng biktima na kanyang ikinamatay.

Sinabi ng opisyal, kinokombinsi rin nila ang mga kaanak ng isa pang biktima na si Eric Anthony Miller, 33, isang American national, na isailalim din sa kaparehong pagsusuri.

Aniya, may dumating na nagpakilalang kamag-anak si Miller mula sa Malaysia at kinakusap na nila.

Nauna nang isinagawa ang dalawang parehong “procedure” ng mga tauhan ng NBI sa dalawa pang namatay na biktima na sina Bianca Fontejon, 18, at Lance Garcia, 36, at nabatid na massive heart attack ang sanhi ng kanilang kamatayan. Ngunit hinihintay pa ang resulta ng isinagawang toxicology test sa bangkay ng dalawa.

Samantala, hindi pumayag ang pamilya ng isa pang biktima na si Ariel Leal, 22, na ipagalaw ang kanyang bangkay.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *