Friday , November 15 2024

Pinaka-corrupt: BIR, BoC, LTO bubuwagin ni Duterte

NAGBANTA si incoming President Rodrigo Duterte na bubuwagin ang tatlong pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan pag-upo niya sa Palasyo sa Hunyo 30.

Aniya, lulusawin na lamang niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagiging corrupt nito.

“I am very sorry pero sabihin ko sa inyo, isa sa pinaka-corrupt na agency ang BIR, Customs, LTO, iyang tatlong iyan. I-abolish ko na lang para wala na,” wika pa ni Duterte sa press conference sa Davao City kahapon ng umaga.

Binatikos din ni Duterte ang kawalang-silbi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkabigo nitong labanan ang illegal drugs dahil karamihan sa mga opisyal at empleyado nito ay sangkot sa narcotics trade.

Sinabi ni Duterte, isang high-ranking official ng PDEA ang dapat sibakin sa ahensiya dahil sa pakikipagsabwatan sa drug syndicate.

Pahahawakan ni Duterte sa military ang PDEA pati na ang Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Corrections (BuCor) na pinamamahalaan ang New Bilibid Prison (NBP).

Nagbabala rin si incoming President Duterte sa local officials na sangkot sa illegal drugs na huwag silang magkakamali.

“Huwag kayong magkakamali d’yan, kung naaawa kayo sa sarili n’yo. P*****. Mamamatay kayo d’yan,” pagbabanta ni Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *