Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

Angelica, muntik iwan ang Dos dahil kay JLC

SLIGHT na lang  para tuluyang maka-move on ang Banana Sundae star na si Angelica Panganiban sa split up nila ng Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz.

“Kasi ano eh, mga 4 hours na akong hindi umiiyak. Ito ‘yung pinakamatagal ko kaya iba ‘yung look ko ngayon. Minsan kasi, eh sikat ‘di ba, ang daming billboard, kaya ‘pag nakita ko, ano ba ‘yan maiiyak na naman ako, ganoon. Lesson learned talaga. ‘Wag sikat,” pahayag niya na may halong pagbibiro sa Gandang Gabi Vice.

Maging positive, walang bitterness at walang ill feelings ang natutuhan ni Angel sa paghihiwalay nila ni JLC. Iniisip na lang ni Angel na bakit magiging bitter siya kung ilang beses din naman daw siyang lumigaya sa taong ‘yun.

Walang patutsada na narinig kay Angel against kay  Lloydie dahil kung hindi nila na-save ang relationship nila, baka puwedeng i-save ang friendship nila.

“Hindi talaga. Kasi ‘di ba hindi niyo na na-save ang relationship niyo as a couple, why not i-save ang relationship niyo bilang magkaibigan?”

Hindi rin dinelete ni Angelica ang mga post niya sa Instagram na magkasama sila ni JLC. Minsan nga binabalikan niyang tingnan at sinasabing masaya pa sila sa last picture na ‘yun.

Inamin din niya na minsan ay nababaliw din siya nang i-spray niya ang pabango ni Lloydie habang namimili siya at naaamoy niya hanggang pag-uwi sa bahay.

Noong una ay umiiwas din siya magpunta sa mga lugar na pinupuntahan nila ni John Lloyd  dahil  minsan  ay hindi maiwasan na mapadaan siya, napaiyak na lang siyang mag-isa, natatawa at naiiyak habang naglalakad. “Sabi ko grabe para akong tanga. Tama na, tama na.”

Biro pa ng Banana Sundae star, “Muntik na akong lumipat ng network, pero sabi ko nga dahil may respect ako sa ABS-CBN, hindi na lang ako lilipat magre-retire na lang ako.”

Bihira na raw ngayon ang communication nila ni Lloydie at landiaan sa text pero minsan ay nagkukumustahan sila sa text.

Pero dumating sa point na sobrang down ang pakiramdam ni Angel sa sarili.

“Noong nakita ko ‘yung sarili ko na ganoon, hoy girl tama na nakakaawa ka na, down na down ka na, bangon,” sey niya sa sarili.

I’m sure marami ang naka-relate sa pinagdaanan ni Angelica.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …