Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNAP convention ng Puregold, tagumpay!

PINAGSAMA-SAMA ng Puregold Price Club Inc.kamakailan ang pinakamaniningning na bituin ng bansa sa pinakamalaki at pinaka-engrandeng pagtatanghal ngTindahan Ni Aling Puring (TNAP) national convention of sari-sari store owners, na idinaos noong Mayo 18 hanngang 22 sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinamagatang  PINASipag, PINASwerte, PINASenso: Isang Bayan Para Sa Panalong Tindahan, ito ang ika-11 taon ng TNAP national convention ng Puregold. Pinasaya ang mgaTNAP members ng world-class performances mula kina Bamboo, Sarah Geronimo, Sponge Cola, at mula marami pang ibang mahuhusay na Pinoy performers.

Nakisaya rin sa event na ito ang mga Eat Bulaga host na sina Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, at ang box-office superstar na si Bossing Vic Sottogayundin ang mga malalaking artista tulad nina Piolo Pascual, Julia Montes, Megan Young, Carla Abellana, Janella Salvador, Janine Gutierrez, Luis Manzano, Kim Chiu, Ryan Agoncillo, Daniel Matsunaga, Erich Gonzales, Ogie Alcasid, Kathryn Bernardo, Juila Barreto, Michael V., Zanjoe Marudo, MC Muah, Donita Nose, Lassy, Iza Calzado, Dimples Romana, Yassi Pressman, 4th Impact, John Lloyd Cruz, at marami pang iba.

Marami ring natutuhang mahahalagang tips at kaalaman sa negosyo ang mga miyembro ng TNAP mula sa mga libreng seminar na ibinigay ng mga business master tulad nina Francis Kong, Chinkee Tan, RJ Ledesma, Michaelangelo Lobrin, Dennis Sy, at Marvin Germo.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa TNAP i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook (www.facebook.com/puregold.shopping), at sundan ang @Puregold_PH sa Twitter, at @puregold_ph sa Instagram.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …