Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, nagpaka-daring sa Love Me Tomorrow

PALABAN ang role ni Piolo Pascual sa bagong movie ng Star Cinema, ang Love Me Tomorrow. Tinotodo ng lahat ni Piolo sa bawat pelikula niya para walang sisihan. Ayaw kasi niyang sabihing daring pero nangyayari raw sa panahong ito ang gaya ng one night stand. Hindi naman bago sa kanya ang ganitong kaselang ginagawa dahil nagawa na niya noon sa launching movie niyang Lagarista at Dekada 70.

Sa Love Me Tomorrow, tinanong daw niya ‘Ano ba ako rito, karne?’ Sabi ng Star Cinema, ‘Oo!’ So okay at least alam ko ‘di ba? Ha!ha!ha!. So workout na lang muna ako ng workout,” pahayag niya na tumatawa.

Naughty si Piolo sa nasabing pelikula na kasama sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia.

Paano niya pinapayuhan ang anak niya (Inigo Pascual) sa mga one night stand at kapusukan ng kabataan?

“Lalaki ‘yung anak ko, eh,” tugon niya.

Gusto raw niya ay lumabas ang anak niya to meet people. Hindi naman daw kailangang magbaon ng condom si Inigo dahil hindi naman darating sa ganoong punto. Kung ‘yung babae raw mapusok, ‘yun daw ang kailangang ingatan at iwasan ni Inigo.

Pero iba na ang mga kabataan ngayon, madaling matukso at mapupusok.

“Tusukin ko siya,” diretsong sagot ni Papa P. sabay tawa.

Biro lang ba’yung tusok na sinabi niya?

“Saksak,” pakli niya sabay tawa ulit.

“Sasapakin ko,” sey pa niya.

Ayaw na raw niyang pagsabihan si Inigo ng dapat gawin at hindi dapat gawin. Dapat daw ay maging independent ito at ma-realize ang tama at mali dahil lalaki siya. Nariyan daw siya para mag-guide lang.

Anyway, masaya si Papa P sa bagong movie nila nina Dawn at Coleen na hindi heavy drama.

“We wanted to do something light since when we do TV iyakan and drama and everything so this is a good diversion for us as well,” deklara niya.

Showing sa May 25 ang Love Me Tomorrow na idinirehe ni Gino Santos. Ito’y nagtatahi ng isang istorya na nagpapakita kung paano maaaring manatiling bata ang pag-ibig at kung paano nito kayang lagpasan ang madaming balakid.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …