ANG incoming vice mayor ng Iligan City ay isang Katolikong pari.
Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) si Fr. Jeemar Vera Cruz ng Diyosesis ng Iligan bilang nagwagi sa nakaraang halalan ng Mayo 9.
Ito ang unang termino ni Fr. Vera Cruz, ayon sa CBCPNews, ang opisyal na news service provi-der ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Tinalo ni Vera Cruz, dating Bikaro ng Diyosesis, ang acting vice mayor na si Providencio Abragan nang mahigit 12,000 boto.
Dalawa rin paring Katoliko ang tumakbo sa Northern Samar ngunit pareho silang nabigong manalo.
Ayon sa mga resulta mula sa Comelec, natalo si Fr. Walter Cerbito, dating Bikaro ng Diyosesis ng Catarman, kay re-electionist Gov. Jose Ong Jr. habang ang retiradong paring si Fr. Jack Sapa, ng nasabi rin Di-yosesis, ay nabigong mahalal na konsehal.
Nasuspindi ang tatlong pari sa kanilang mga tungkulin sa Simbahan sa paghayag nila ng intensi-yon na tumakbo sa halalan at dahil hindi pinapayagan ng Simbahang Katoliko ang paglahok o pagtanggap ng mga pari sa isang elective position sa pamahalaan bilang pagpapatibay sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado.
ni Tracy Cabrera