FIRST time naming na-meet si Davao Mayor Rodrigo Duterte noong premiere showing ng pelikulang Maria Labo na produce ng aktres singer from Bacolod na si Kate Brios.
Wala pang balak noong tumakbo for president si Digong. Very humble na siya noon pa man. Nagpa-selfie kami at willing namin kahit kanino sa mga dumalo sa premiere showing na ‘yon. Walang alalay si Digong, walang handler na kung mag-guardia ng alaga ay akala mo kung sino.
Ibang-iba si Digong para siyang si Nora Aunor na pinagkakaguluhan ng mga tao kahit saan pumunta. Simpleng tao hindi siya mestiso, Pilipinong Pilipino ang hitsura tulad ng superstar.
Very touching ‘yung kuwento ng kanyang spokesman na si Peter Lavinia noong mabalitaang malaki ang lamang sa kalaban, dinalaw agad ang puntod ng magulang para ikuwento ang suwerteng dumating sa buhay niya. Marahil hulog ng langit si Digong para matulungan ang kaapihan ng mga Filipino sa kamay ng mga corrupt at magnanakaw sa bansa.
***
PERSONAL: Happy birthday to Beth Valenzuela of Gloria Romero Restaurant Baliwag, Bulacan last May 10, greetings from her loving family.
SHOWBIG – Vir Gonzales