Batas ni Digong ipairal
Johnny Balani
May 19, 2016
Opinion
UNA sa lahat mga ‘igan, binabati natin si presumptive President-elect Rodrigo ‘Digong’ Duterte, aba’y todo ang pag-arangkada ng pangalan ng ‘mama’ sa katatapos na eleksyon. Kaya’t hayun, dinala s’ya ng milyon-milyong boto sa Malacañang, kasabay ang malaking pagbabagong magaganap sa takbo ng pamahalaan sa kanya namang administrasyon.
Pero, handa na nga ba ang taong bayan sa ‘kamay na bakal’ ni Digong? Aba’y humanda na’t paparating na ang susupil sa mga katarantadohan ng mga ‘gago’ sa lipunan.
Sa ayaw mo’t sa gusto’y isa-isa nang inilalatag ni Davao City Mayor Duterte ang ilan sa batas na kanyang ipatutupad sa bansa. Nariyan ang batas na taliwas sa kagustuhan ng mga manginginom o tomador nating mga Kababayan… he he he…‘yung tipong nagwawala na sa kalye dahil sa tindi ng tama ng alak sa katawan. Sinundan pa ng batas para sa magandang kapakanan ng mga kabataang halos hatinggabi na’y nasa lansangan pa. Nasaan ba ang ilang mga pabayang magulang ng mga kabataang ‘yan, maging ang mga pabayang punong barangay? Aba’y umayos na po kayo, sapagkat hindi na po puwede ang estilo n’yong ganyan kay Digong.
Iikot din ang p’wet ng mga tiwaling masasangkot sa krimen, lalo na ‘yung isyu sa droga. Aba’y bigti kayo kay Digong! Hinding-hindi kayo tatantanan, sapagkat pinaniniwalaan na ang droga ang ugat ng krimen sa bansa. Kung masusugpo ito’y tuloy-tuloy na rin ang paglaganap ng kapayapaan at katahimikan ng sambayanan.
Tiwali sa City Hall imbestigahan
Stop Corruption din ang ibig ni Digong, mapa-nasyonal o’ lokal man. Alam naman ninyo na ang kapatid ng sinungaling ay magnanakaw. At naku, tinamaan kayo ng lintek! Lagot ang mga politikong namili ng boto (vote buying)! Paano na nila mababawi ang kanilang mga ginastos? Sus, ingat kayo sa mga proyekto n’yo (kuno) at baka magsisi kayo sa kahihinatnan ng magiging buhay ninyo sa mga rehas na bakal…he he he…ingat-ingat pag may time…
Tulad na lamang mga ‘igan ng isyung ibinulong ng aking Pipit. Mantakin n’yong isa umanong opisyal ng Manila City Hall ang nagpasuweldo ng job orders (JOs) sa kanyang tahanan noong nakaraang Sabado, May 7, 2016, which was two (2) days before the Election. Tanong nga ng aking Pipit, saan galing ang isang katerbang JOs na sumuweldo mula buwan ng Enero hanggang Hunyo, 2016, and take note mga ‘igan, tapat na tapat sa election period. Ang tanong, saan ba nagtrabaho ang mga JO? Teka, nagtrabaho nga ba ang mga JO na ‘yan para kumubra ng halagang P6,000.
Hmmm… I smell something fishy…he he he…Aba’y kung may katotohanan ang isyung ‘yan, paimbestigahan at dapat na papanagutin ang katarantaduhang pinaggagagawa ng opisyal. Anyway, paging President Mayor Duterte! Nawa’y mapaimbestigahan po ninyo ang ganitong katiwalian. Bitayin kung kinakailangan he he he…
Sa pagtatalaga ni Digong ng mga opisyal sa kanyang administrasyon, good luck…nawa’y maipakita nila ang kanilang expertise at maging isa silang lahat tungo sa layuning maipalaganap ang kapayapaan sa sambayanang Filipino. Tamang ipahayag at pakinggan ang boses ng bawat isa sa maayos na pamamaraan, upang lubos na magkaunawaan ang lahat ng kani-kanilang saloobin…Mabuhay ka, Ka Digong!