Monday , December 23 2024

Cristina, inihingi ng dispensa ang anak

00 fact sheet reggeeKAKAPANALO palang bilang mayor ng Tacloban City si Ms. Cristina Gonzales-Romualdez kapalit ng asawang si Alfred Romualdez pero heto at humihingi na siya kaagad ng dispensa sa mamamayang Filipino dahil sa hindi magandang mensahe ng anak na si Sofia laban sa posibleng magiging pangalawang pangulo ng bansa na si Congresswoman Leni Robrero.

Tweet ni @SofiaRomuladez, “putangina leni bobo naman walang alam yan tangina nyo.”

Maraming nagulat sa sinabing ito ng anak nina Alfred at Kring Kring dahil masyado siyang bata para magsalita ng ganito.

Kaya naman sinagot ni Trixie Jade ang tweet ng dalagita, “Leni is a plain housewife before she entered politics, so does your mom. So your mom is also bobo?”

Base naman sa panawagan ng ina ni Sofia sa kanyang FB account, “I apologize for such words she tweeted about Leni. As a mother and most especially a Christian, I do not approve such words. Sofia is 16 so I believe she didn’t realize what she was doing.”

Pero ayon sa netizen na si Roly Eclevia, hindi dahilan na bata pa ang anak ni Kring Kring.

“True, Sofia Gonzales is still young. However, at 16 her character is already fixed. The flaw in her psychological makeup can only worsen with age. It must have been her upbringing and the examples of people around her. Well, Ms. Robredo is a lawyer who spends her professional life helping the poor. The family did a terrible job bringing her up.”

Kaagad ding humingi ng dispensa si Sofia sa kanyang Twitter account, “what I said about Leni was out of frustration and anger. I’m human and I make mistakes too, I’m sorry if I offended anyone.”

Ayon kay Kring Kring, “Sofia already apologized so I hope we all forgive and love her she is still very young. My kids went through a lot during the disaster and witnessed everything that happened.”

Samantala, nakatikim ng matitinding salita ang anak nina Cristina at Alfred mula sa netizens.

Sabi ni Darlo Mando, “Leni is a lawyer. Did the young girl know that? Does she also know that her mom was a bold star or even worse than that?  Also her mother used to work in Brunei? Correct me if am wrong.”

Ayon namn kay Lynn David, “fyi (for your information) Leni is not just a lawyer she was once an RTC judge in Naga City before she ran for Congress. She was a human rights lawyer and an advocate of women and children.”

Para kay Shirley Abuel, “ GMRC (Good Manners and Right Conduct) starts from home and from the time they are born it is inculcated in their minds. Kapag pinalaki sila ng tama, kahit saan mo yan dalhin at kahit sinong makasama tama pa rin ang ikikilos at pananalita nya. Sad to say, parang hindi ganun!

Dagdag pa ni Bella Sanchez Bacasen, “very sad, she should know better. CONGRESSWOMAN LENI ROBREDO IS A LAWYER, and NOT a plain housewife, baka UPCAT di mo kayang ipasa my dear.”

Marami pa kaming nabasang matitinding salita pero marami-rami rin ang nagtanggol sa dalagitang anak nina Kring Kring at Alfred at unawain na lang daw dahil nang maisip naman daw ni Sofia na mali ang ginawa ay kaagad namang humingi ng tawad.

Hindi naman sumagot na si Congresswoman Leni tungkol sa inasal ng dalagita.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *