Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagka-party animal ni James, nakuha na raw ni Nadine

TILA na-bash si Nadine Lustre nang magbigay siya ng surprise birthday party for her boyfriend James Reid.

Kumalat sa social media ang photos ng pool party matapos nitong lumabas sa isang sikat na web site.

Ang feeling ng ilang bashers ay nahawa na si Nadine  sa pagka-party animal ni James.

“Fan mo ko Nadine pop girls pa lang pero disappointed ako sayo. Naging party girl ka na. Hindi ka na magandang ehemplo sa kabataan dahil kay James. Naddicts no more! :(“ said one fan.

“Naiyak naman ako.. Ako rin po fan ako dnp pa lang pero ngayon puro party at pda sila.. Conservative dati si ate Nadine ano ba nangyari,” say ng isa pa.

Todo-depensa naman ang ilang JaDine fans.

“Ang OA, birthday ng bf niya, natural mag party. At di na sila teenager. Ako disappointed sa iyo, kasi mababaw ka na fan, kung hindi ka basher in disguise,” say ng isang maka-JaDine.

“Ang OA! Let them be. Buhay nila yan. Let them make mistakes para sila mismo mag-learn. At least they get to feel “normal” sometimes. Sa sobrang pressure and standards ng showbiz, I pity these kids for not living their life the way they wanted just because may mga fans na nakatutok sa kanila. Oo nga, they owe the fans dahil kung wala ang fans, wala din sila sa kinalalagyan nila. But just don’t expect them to live by your standards. Iba iba ang tao. You can always appreciate a celebrity because of artistry or sa talents but not as a person. Okay lang yan. Just like Hollywood stars. What you see is what you get. Not all of them are good people but maganda pa din naman when it comes to movies nila and shows. Yung iba nga super scandalous, xa pa mas sikat,” tili naman ng isa pa.

Oo nga naman. What’s wrong with partying, eh, may birthday naman?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …