Congratulations for another term Manila Elected Officials
Jerry Yap
May 11, 2016
Bulabugin
BATIIN muna natin ang mga nanaig na halal na opisyal sa Maynila…
As usual, Joseph Estrada, on his second term as Mayor and Honey Lacuna, vice mayor.
Nang mandaya ‘este’ manalo ulit si Erap, bigla nating naalala ang payo ng isang doktor sa kanyang pasyente na may terminal illness.
Ang sabi ng doctor sa kanyang pasyente, “Huwag mong masyadong damdamin ang iyong nararamdaman. Malay mo, habang nasa proseso ka ng pagpapagaling, gusto rin ng Diyos na mapaglimian mo ang iyong mga pagkukulang na eventually ay mapagtuunan mo ng pansin para unti-unting i-rectify.”
Parang ganoon lang ‘yang pagkapanalo ni Erap. Baka binibigyan siya ng pagkakaton ng Diyos para ituwid ang kanyang mga pagkukulang.
Isa na riyan ‘yung pagsasauli ng pondo ng bayan bilang bahagi ng paggawad sa kanya ng pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos ma-convict sa kasong Plunder.
Paglilinis ng mga kotongero at illegal terminal sa Maynila lalo na ‘yung nasa Lawton na ayaw na ayaw ni incoming President Digong Duterte.
Tunay na paglilinis sa buong Maynila, hindi ‘yung basta kumita lang ang kontraktor ng basura.
At higit sa lahat ang pagbabalik ng mga libreng serbisyong medikal sa mga ospital at libreng gamot.
Libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan mula pre-school hanggang kolehiyo.
Libreng maayos at disenteng libingan para sa mga mga kapos-palad na Manileño.
Puwede rin siguro niyang ipatupad ang plataporma ni Mayor Fred Lim na on-site development sa pamamagitan ng tunay na pabahay sa lungsod para sa mga tunay na maralita at indigent.
Kumbaga, kung ayaw talagang makatkat sa puwesto, ni Mayor Erap, ‘e i-duplicate o higitan naman niya ang magagandang programa ni Mayor Fred Lim.
‘Yan siguro ang isa sa pinakamagandang dahilan ng Diyos kung bakit sa kabila ng pagtataka ng marami ay nanaig pa rin si Erap ng 3,000 boto laban kay Mayor Fred Lim.
Sabi nga, laging may rason ang Diyos.
Ngayon, nasa kamay na ni Erap kung gusto niya talagang makabawi sa mga Manileño.
Ipatupad niya ang tunay, tapat at maka-buluhang serbisyo publiko.
‘Yun lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com