JOIN na si Sharon Cuneta bilang bagong coach ng The Voice Kids. Ngayong summer, nakatakdang samahan ni Sharon ang Broadway diva na si Lea Salonga at rock superstar na si Bamboo sa ikatlong season ng The Voice Kids para pumili at magme-mentor ng mga batang magpapamalas ng kanilang galing sa pagkanta.
“I’m so honored because I’ll be working with Lea, Bamboo, and the most talented children sa bansang ito,” pahayag ni Sharon.
Sa 35 taon niya sa industriya, napatunayan na ni Sharon ang kinang ng kanyang bituin at husay sa pagiging isang singer, performer, aktor, host, at endorser kaya naman pinamagatan siyang Megastar.
Sa edad pa lang na 12, unang sumipa ang karera ng Megastar nang sumikat ang kanyang mga kantang Tawag ng Pag-ibig at Mr. DJ. Simula nito, nakapag-release siya ng higit sa 30 singles na pumatok sa publiko, pati na albums na nakakuha ng multi-platinum at maging diamond record certification.
Bumida na rin si Sharon sa higit 50 pelikula at naging box-office queen dahil sa sunod-sunod niyang blockbuster films mula 1980 hanggang 2000. Bukod pa rito, nabigyan na rin siya ng iba’t ibang acting awards, katunayan naging grand-slam actress para sa pelikulang Madrasta.
Bukod sa mga parangal para sa kanyang pag-arte, tumanggap na rin si Sharon ng awards para sa pagiging isang singer at recording artist, kabilang na ang Dangal ng Musikang Pilipino Award o Lifetime Achievement Award mula saPhilippine Association of the Record Industry, Inc. sa taong 2002 noong 36-anyos pa lamang siya.
Bukod din sa tagumpay sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, pinilahan at pinanood din ang kanyang sold-out concerts sa loob man o labas ng bansa.
At dahil naman sa tiwala sa kanyang hindi matatawarang kasikatan, naging sough-after endorser siya para sa iba’t ibang produkto.
Ang pagiging bagong coach sa The Voice Kids ay isa lang sa mga proyekto ni Sharon na dapat abangan ng mga Kapamilya matapos siyang pumirma ng two-year exclusive network contract sa ABS-CBN.
“Walang kapantay ang happiness ko. Home is home. Twenty five years na (ako sa ABS-CBN). I grew up here, everyone I knew and grew up with is here. Ano pang hahanapin ko?” said Sharon.
Abangan ang pagsisimula ng ikatlong season ng The Voice Kids na pangarap ang puhunan at boses ng bulilit ang labanan sa ABS-CBN
TALBOG – Roldan Castro